#WalangPasok: Mga suspendidong klase ngayong Martes, April 23
(UPDATE) Ilang eskwelahan ang nagsupinde ng mga klase ngayong Martes April 23 kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Hanggang alas 11:00 Lunes ng gabi, ang sumusunod ang nag-anunsyo ng class suspension ngayong araw:
LUGAR:
Angeles City, Pampanga – klase sa lahat ng antas
Manila-klase sa lahat ng antas, public at private
Zambales – klase sa lahat ng antas, public at private at pasok sa gobyerno
ESKWELAHAN:
Adamson University – klase sa lahat ng antas at pasok sa opisina
Ateneo de Manila University – Loyola school
Colegio de San Juan de Letran sa Intramuros – mga aktibidad na may kinalaman sa paaralan at pasok sa opisina
College of the Holy Spirit in Manila – klase sa lahat ng antas at pasok sa opisina liban sa maintenance
De La Salle University – pasok sa klase at opisina
Far Eastern University – Alabang, Diliman, Makati at Manila campuses kabilang ang pasok sa opisina
Holy Angel University sa Angeles, Pampanga
Malayan College sa Laguna
IACADEMY – klase at school-related activities
Mapua University Intramuros Campus
Makati University Makati Campus
Philippine Science High School – Central Luzon campus sa Angeles, Pampanga
Philippine Women’s University – pasok sa klase at opisina
Polytechnic University of the Philippines – Bataan, Cabiao, Santa Maria, at Pulilan branches at campuses, liban sa security personnel at building inspectors
Polytechnic University of the Philippines – Manila
University of Makati
University of the Philippines Diliman Extension Program sa Pampanga
University of Santo Tomas – lahat ng klase at pasok sa opisina
University of the Philippines Diliman Extension Program sa Pampanga
Irefresh ang page na ito para sa update.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.