Phivolcs, nakapagtala ng 17 aftershocks matapos ang lindol
Nakapagtala ang Phivolcs ng hindi bababa sa 17 na aftershocks kasunod ng magnitude 6.1 na lindol sa Zambales.
Mula sa datos bandang 5:53 ng gabi, umabot sa 17 na aftershocks ang naitala ng Phivolcs.
Hindi naman aniya inaasahan ang anumang matinding pinsala sa mga imprastraktura ngunit hinihintay pa rin ang mga ulat mula sa episentro ng lindol sa Castillejos.
Dagdag pa ng Phivolcs, posibleng umabot sa 100 na aftershocks ang maitala ng ahensya.
Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.