Kuryente sa ilang bahagi ng Luzon, naibalik na – NGCP
Naibalik na ang kuryente sa ilang transmission facilities sa Luzon kasunod ng magnitude 6.1 na lindol sa Zambales.
Sa abiso ng ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilang probinsya kasi ang nakaranas ng power service interruption dahil naapektuhan ang mga transmission facility sa Luzon.
Sinabi ng NGCP na naibalik na ang kuryente sa bahagi ng Pangasinan, La Union at ilang parte ng Pampanga.
Naapektuhan rin ang kuryente sa mga probinsya ng Quezon, Batangas, Camarines Sur at Sorsogon ngunit agad namang naibalik.
Patuloy pa naman ang isinasagawang power transmission service sa ilang bahagi ng Pampanga at Bataan.
Nagkaroon din ng aerial at foot patrol hanggang matiyak na ligtas na ang sitwasyon.
Samantala, itinaas sa red alert status ang Luzon grid bandang 5:20 ng hapon dahil sa multiple trappings.
Umabot sa 9,500 megawatts ang available capacity habang 8,900 megawatts naman ang peak demand.
Ayon naman sa Department of Energy (DOE), apektado ng lindol ang mga power plants na GN Power, Anda, Limay, SCPC at Kalayaan Units 1 at 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.