Ilang parte ng Bataan, Pampanga nawalan ng kuryente matapos ang malakas na lindol

By Angellic Jordan April 22, 2019 - 08:29 PM

Nawalan ng kuryente ang ilang bayan sa Pampanga at Bataan matapos ang pagyanig ng magnitude 6.1 na lindol sa ilang bahagi sa Luzon.

Apektado ng kawalan ng kuryente ang Balanga City, Mariveles, Orani at Morong sa Bataan.

Ayon sa Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang ahensya ng gobyerno para rumesponde naman sa sumiklab na sunog sa Bataan Refinery Center sa bayan ng Limay.

Sa Pampanga naman, agad inilikas ang mga pasyente ng isang pribadong ospital matapos mawalan ng kuryente ang San Fernando City.

Ito ay bilang preeemptive measure sa lugar.

Samantala, nagsilabasan din ang mga tao sa labas ng mga mall sa Pampanga at sa bahagi ng Olongapo City.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang malakas na lindol sa Kalakhang Maynila at ilan pang probinsya bandang 5:11 ng hapon.

TAGS: Balanga City, bataan, Mariveles, Morong, Orani, Pampanga, Balanga City, bataan, Mariveles, Morong, Orani, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.