Pakete na may lamang high-grade cocaine natagpuan sa karagatan ng Quezon

By Angellic Jordan April 22, 2019 - 03:53 PM

Inquirer file photo

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na high-grade cocaine ang laman ng natagpuang selyadong package sa Burdeos, Quezon noong Sabado de Gloria.

Ayon kay Police Maj. Elizabeth Capistrano, public information officer ng Quezon police, nasa isang kilong cocaine ang laman ng package batay sa resulta ng isinagawang test ng police laboratory.

Nagkakahalaga aniya ang mga kontrabando ng P6.8 Million.

Noong Sabado de Gloria, nakita ng isang Raizel Anog ang package sa baybaying-dagat ng Barangay Cabungalan na halos sakop na ng Pacific Ocean.

Agad dinala ni Anog ang package sa malapit na himpilan ng pulisya.

Ito na ang ikaapat na beses na nakakita ng cocaine sa Quezon ngayong taon.

TAGS: burdeos, cocaine, pacific ocean, PNP, Quezon, burdeos, cocaine, pacific ocean, PNP, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.