Pagdadawit sa NUPL sa ouster plot sa admunistrasyon kasinungalingan ayon kay Rep. Zarate

By Erwin Aguilon April 22, 2019 - 12:48 PM

Tinawag na illogical at katawa-tawa ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pag-uugnay sa kanilang mga human rights lawyer sa sinasabing ouster plot kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Zarate na wala itong katotohanan at walang pagkakaiba sa red october plot noon na gawa-gawa lamang ng militar at kalaunan ay napatunayang peke.

Inihalintulad pa ng mambabatas sa sirang plaka ang AFP at PNP sa anila ay mga kasinungalingan.

Paliwanag ni Zarate, palaging nabubunyag ang kalokohan ng mga ito at ng administrasyon kaya idinadawit ang mga kritiko sa mga sinasabing pagpapatalsik sa nakaupong gobyerno.

Ang pahayag ay ginawa ni Zarate matapos iugnay ang National Union of People’s Lawyer sa sinasabing pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Kasama rin sa sinasabing ouster plot ang Rappler, Vera Files at Philippine Center for Investigative Journalism na sinasabing nakikipag ugnayan sa mga kaliwa para maisakatuparan ang plano.

TAGS: human Rights lawyer, NUPL, Rep Zarate, human Rights lawyer, NUPL, Rep Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.