Mas maraming Pinoy naniniwalang successful ang presidency ni Aquino-SWS
Mas maraming Pinoy ang naniniwala ngayong magiging successful president si Pangulong Benigno Aquino III.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 35% ng mga respondents ang nagsabi na naniniwala silang magiging successful president si PNoy na mas mataas kumpara sa 29% lamang noong second quarter ng taon.
Sa 35% na nagsabing naniniwala sila na magiging matagumpay na Pangulo si Aquino ay 83% ang nagsabi na sila ay kuntento sa performance ng presidente habang 7% lang ang nagsabing sila ay hindi kuntento.
Halos nationwide ang pagtaas ng net expectation, maliban lamang sa Luzon na nakapagdala ng pagbaba.
Sa Metro Manila, tumaas ang net expectation sa -3, mula sa -7 noong 2nd quarter; sa Visayas ay tumaas sa +23 mula sa +12, at sa Mindanao ay tumaas ng +26 mula sa +22.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.