MRT-3 balik biyahe na matapos ang pitong araw na maintenance
Balik na sa normal ang serbisyo sa MRT-3 matapos ang pitong araw na maintenance.
Sa update ng DOTr MRT-3, alas 5:00 ng umaga (Apr. 22) pitong tren na ang operational.
Nakasaaad din sa abiso na mayroon pang 9 na tren na inihahanda para makabiyahe.
Ang MRT-3 ay sumailalim sa pitong araw na maintenance mula Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naging matagumpay ang aktibidad at maayos din ang naging resulta ng simulation test sa mga tren kahapon.
Isinagawa ang simulation test para matiyak na angkop ang lahat ng pinalitan at inayos na mga parte ng tren, riles at sistema ng MRT-3.
Umabot sa 17 tren ang naisaayos ng maintenance team sa kasagsagan ng shutdown.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.