P18M halaga ng shabu, nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Naga City

By Angellic Jordan April 21, 2019 - 04:45 PM

Nakumpiska ang nasa P18 milyong halaga ng shabu sa dalawang Nigerian at isang residente ng Camarines Sur sa Naga City, Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, information officer ng Bicol police, unang nakuha ang P17 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operasyon sa Nigerian businessman na si Azubuike Onwigbolu, 32-anyos, sa Barangay Triangulo sa Angeles City, Pampanga bandang 12:15 ng madaling-araw.

Sinabi ng pulisya na dumating si Onwigbolu sa Naga tatlong araw bago ito naaresto ng mga otoridad.

Sa hiwalay na operasyon, huli ang suspek na si Judith Camacho, 46-anyos, at isa pang Nigerian na si Mbaneto Sopuluchukwu o mas kilala bilang Hermann Kurt Philip, 22-anyos bandang 10:45, Sabado ng umaga.

Ani Calubaquib, isa si Camacho sa mga supplier ng shabu sa naturang probinsya.

Narekober ng mga pulis ang isang ice plastic bag na naglalaman na hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, aabot ang halaga ng kontrabando sa P680,000.

TAGS: Azubuike Onwigbolu, Hermann Kurt Philip, Judith Camacho, Maj. Maria Luisa Calubaquib, Mbaneto Sopuluchukwu, shabu, Azubuike Onwigbolu, Hermann Kurt Philip, Judith Camacho, Maj. Maria Luisa Calubaquib, Mbaneto Sopuluchukwu, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.