Nakumpiska ang nasa P130,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon sa Siniloan, Laguna.
Ayon kay Maj. Jojo Sabeniano, tagapagsalita ng Laguna police, nakuha sa suspek na si Rayanah Gamama Delna, 54-anyos, ng isang asset ng gobyerno ang P1,000 halaga ng shabu sa harap ng isang mosque sa Mendiola bandang 2:00, Sabado ng hapon.
Matapos mabili, inaresto na ang suspek ng mga pulis at ilang miyermbro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakuha pa sa suspek ang anim pang pakete ng hinihinalang shabu sa isang plastic box.
Ayon naman kay Col. Eleazar Matta, si Delna ang sinasabing nagtutulak ng droga sa Siniloan, Mabitac, Pakil, Famy at Santa Maria sa Laguna at maging sa Tanauan City, Batangas.
Kabilang din anila si Delna sa intelligence watchlist ng ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.