Sen. Francis Pangilinan ‘bulag’ at ‘pipi’ sa mga nagawa ni Duterte ayon sa Palasyo

By Clarize Austria April 21, 2019 - 08:17 AM

‘Bulag at pipi’ umano si Senator Francis Pangilinan sa mga nagawa ng administrayong Duterte ayon sa Palasyo ng Malacañan.

Sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, katulad din umano si Pangilinan ng ibang kritiko ng pangulo na walang nakikita sa mga nagawa nito.

Aniya pa, panahon na umano upang magising ang mga nasa oposisyon sa mga nakakasirang ilusyon para hindi sila mapag-iwanan ng pagbabago sa bansa.

Inilabas ni Panelo ang pahayag na ito bilang reaksyon matapos sabihin ng senador na ‘diversionary tactic’ umano ni Duterte ang pag-atake kay dating Interior Secretary Mar Roxas.

Giit pa niya, nalagpasan na umano ng pangulo ang mga nakamit ng administrasyon ni Noynoy Aquino kung saan binanggit din ang Mamasapano Clash at pinsala ng bagyong Yolanda.

Matatandaang kinwestyon rin ng presidente ang sexuality ng mga kandidato na sina Chel Diokno at Florin Hilbay.

Sinisi ng pangulo si Roxas sa pagkakapaslang sa 44 na Special Action Force o SAF 44 noong 2015 Mamasapano massacre.

TAGS: 2015 Mamasapano massacre, Mamasapano Clash at pinsala ng bagyong Yolanda, saf 44, Senator Francis Pangilinan, 2015 Mamasapano massacre, Mamasapano Clash at pinsala ng bagyong Yolanda, saf 44, Senator Francis Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.