DOH: Mga dapat gawin kung magkaroon ng Sore Eyes
Nagbigay ng tips ang Department of Health (DOH) sa mga dapat gawin kapag nagkaroon ng sore eyes ngayong tag-init.
Kapag nagkaroon umano nito ay hugasan ang kamay gamit ang sabon at tubig kapag hahawakan ang mata.
Huwag ding hawakan o kuskusin ang mata gamit ang mga daliri.
Sa pag-aalis naman ng muta ay gumamit ng malinis na bulak o paper towel.
Labhan at palitan ang mga pundang unan araw-araw upang maiwasan ang impeksiyon.
Maaari ring gumamit ng eyedrops ayon sa payo ng doktor.
Mas marami ang nagiging kaso ng Sore Eyes kapag panahon ng tag-init.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.