DOH: Manatiling malusog ngayong tag-init

By Clarize Austria April 21, 2019 - 05:28 AM

Nagpapalala ang Department of Health (DOH) sa mga tao na manatiling malusog ngayong panahon ng tag-init.

Ayon sa ahensya, dapat panatiliing hydrated ang katawan ngayon at huwag na umanong hintaying uhaw na uhaw bago uminom ng tubig.

Kung maaari ay manatili rin sa loob ng bahay sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon kung saan pinakamatindi ang sikat ng araw.

Kapag lalabas naman ng bahay, protektahan ang balat mula sa direktang sikat ng araw upang maiwasan ang sunburn. Maglagay rin umano ng sunscreen kung kinakailangan.

Maari ring magsuot ng sunglasses upang maprotektahan ang mga mata mula sa harmful UV Rays.

Ang paalalang ito ng DOH ay kasunod ng papainit na papainit na panahon ngayong summer season.

 

TAGS: department of health, Harmful UV Rays, Summer Season, department of health, Harmful UV Rays, Summer Season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.