14 naospital dahil sa matapang na chlorine solution sa isang resort sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo April 19, 2019 - 01:42 PM

Aabot sa 14 na katao ang naospital makaraang malanghap ang matapang na Chlorine solution sa isang resort sa Pandi, Bulacan, Biyernes Santo, April 19.

Ayon kay Pandi police chief Major Avelino Pratacio, karamihan sa mga naapektuhan ay pawang menor de edad.

Naganap ang insidente alas 7:00 ng umaga, Biyernes Santo gayunman, hindi ito agad iniulat nng management ng resort sa mga otoridad.

Ayon naman kay Protacio, sampu sa mga pasyente an agad ding nakalabas ng pagamutan.

Apat sa kanila ang ginagamot pa rin.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sobra-sobra umano ang chlorine na inilagay sa swimming pool kaya naapektuhan nito ang mga biktima.

TAGS: Pandi Bulacan, Radyo Inquirer, resort, swimming pool, Pandi Bulacan, Radyo Inquirer, resort, swimming pool

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.