Mahigit 4,000 naasistihan ng Red Cross ngayong Holy Week
Umabot na sa 4,849 na mga pasyente ang naasistihan ng Philippine Red Cross ngayong Holy Week.
sa nasabing bilang, 15 pasyente ang kinailangang dalhin sa ospital matapos mahimatay, matinding pananakit ng katawan, hirap sa paghinga at head trauma.
Ang apat na iba pa ay maituturing na major cases na kinasasangkutan ng mga kaso ng seizures, unconsciousness, at bone fractures.
Mayroon naman 212 na minor cases gaya ng pagkakaroon ng galos, sprains, muscle cramps, jellyfish stings, at pagkahilo.
Habang 26 naman ang binigyan ng counselling at psychosocial support ng red cross at 43 sa kanila ang binigyan ng referral para sa medical institutions.
Nasa full alert status ang red cross ngayong Holy Week.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.