3,000 Lumad, nais mag-Pasko sa kanilang tinubuang lupa

By Jay Dones December 07, 2015 - 04:30 AM

Inquirer file photo

Mahigit tatlong buwan makaraang lumikas mula sa kanilang lupang kinalakihan sa Surigao del Sur hiling ngayon ng may 3,000 Lumad na sila’y makabalik sa kanilang sariling lugar at gunitian ang pasko doon.

Sa kasalukuyan, nananatili ang mga Lumad sa sports complex ng Tandag City matapos takasan ang karahasan sa kanilang lugar.

Noong September 1, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan ang tatlo katao kabilang na ang dalawang lider ng kanilang tribo.

Bagaman may tatlo katao na ang nakasuhan sa naturang pagpatay na sinasabing mga miyembro ng Magahat-Bagani paramilitary group, wala pa sa mga sangkot sa krimen ang naaaresto.

Ayon kay Michelle Campos, anak ng isa sa mga napatay na tribal leader, bagaman hindi sila nagdiriwang ng pasko, nakikiisa sila sa mga Kristiyano sa paggunita nito.

Ito ang dahilan aniya kung kaya’t nais nilang gunitain ang okasyon sa pamamagitan ng pagbabalik sa kanilang mga tahanan sa Surigao upang manumbalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Panawagan ni Campos at ng mga Lumad sa militar at pulisya, tugisin at agad na iharap sa batas ang mga suspek sa mga insidente ng pagpatay sa kanilang mga katribo.

Dapat din aniyang tuluyan nang malansag ang mga paramilitary groups na naghahasik ng sindak sa kanilang lupain upang manumbalik ang katahimikan sa kanilang lugar.

Sa Campos ay isa sa mahigit 700 Lumad na lumahok sa Manilakbayan na nagtungo sa Maynila kamakailan pang idulog sa gobyerno ang kanilang suliranin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.