Paniningil ng environment user’s fee sa Matabungkay, kinuwestyon

By Ricky Brozas April 17, 2019 - 04:10 PM

Photo: Ricky Brozas

Iprinotesta ng mga residente ng Lian, Batangas ang paniningil ng lokal na pamahalaan ng environment user’s fee sa beach sa Matabungkay dahil hindi dumaan sa tamang proseso.

Ayon kay Dennis Ilagan, kinatawan ng mga residente ng Barangay Santiago sa Lian, nagpadala na sila ng komunikasyon kay Lian Mayor Isagani Bolompo na humihiling ng kopya ng public hearings at mga meeting para sa paniningil ng P25 environment user’s fee.

Subali’t hanggang ngayon anya ay hindi ito masagot ng lokal na pamahalaan.

Sa salaysay ni Ilagan, 2016 pa nang hilingin ng mga residente ang pagpapatigil ng paniningil dahil hindi naman ito napupunta sa tamang adhikain na paglilinis o pananatiling maging malinis ang kalikasan sa lugar.

Gayunman, baligtad anya ang nangyayari dahil mas lalo anyang lumala ang polusyon sa lugar.

“Tinututulan na namin ang paniningil ng environmental users fee dahil sinasabi namin sisirain nyo ang turismo ng Lian. Ayaw nilang maniwala at dahil sa kagustuhan nila na makakuha ng pondo nirailroad nila ang sistema para maipasa nila. Ang problema po moro-moro ang ginawa nila na public hearing. Sinasabi nila na may public hearing pero ang totoo wala. Kausap ko mga taga Matabungkay sinasabi nila walang public hearing,” diin ni Ilagan.

Isiniwalat pa ni Ilagan na ibinulgar din ng lokal na pamahalaan na nawawala ang nakolekta nilang pondo mula sa environment user’s fee na tinatayang mahigit P500,000.

Gayunman, duda ang mga residente kung sadyang may nagnakaw ng pondo dahil wala namang kasong isinampa at walang imbestigasyong isinagawa.

“Kung totoong may nawala, bakit walang nademanda. Dapat kinasuhan nila tao,” saad ni Ilagan.

Una na ring kinuwestyon ni Ilagan ang development at quarrying na isinasagawa sa Lian sa kabila ng pagpapalabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng cease and desist order laban dito.

Pagtatapos ni Ilagan, hindi tourist friendly ang naturang ordinansa, sa halip ay magtataboy ito sa mga turista na gustong bumisita sa kanilang lugar.

TAGS: Batangas, Dennis Ilagan, environment user's fee, Lian, matabungkay, Mayor Isagani Bolompo, Batangas, Dennis Ilagan, environment user's fee, Lian, matabungkay, Mayor Isagani Bolompo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.