Mga pasahero, dagsa pa rin sa mga pantalan ng bansa

By Erwin Aguilon April 17, 2019 - 02:00 PM

Pumalo na sa mahigit 24,000 na libong pasahero sa mga pantalan ang sumakay ng mga barko at bangka ang namonitor ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo, mula12 ng madaling araw hanggang 6AM kanina kabuuang 24,664 ang kanilang naitala.

Pinakamarami rito ay sa Southern Tagalog na may bilang na 10, 696 na sinundan naman ng Central Visayas na may 2,777 na mga pasahero.

Sa Western Visayas nakapagtala ang PCG ng 2,568 habang 2,467 sa Eastern Visayas.

Mayroon namang 1, 986 sa Northern Mindanao; Southern Visayas – 1,777; Bicol – 1,689; National Capital Region-Central Luzon – 381 habang pinaka kaunti sa South Eastern Mindanao na may bilang na 323.

Inaasahan ng PCG na mas darami pa ang pasahero ngayong hapon dahil sa pagsuspinde ng pasok sa trabaho sa gobyerno.

TAGS: dadagsa, dadami, pantalan, pasahero, dadagsa, dadami, pantalan, pasahero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.