Inaasahan na ngayong araw ang Holy Week exodus o pagdagsa ng mga pasahero sa mga expressway, terminal at pantalan para umuwi sa mga probinsya ngayong Semana Santa.
Kahapon, Martes Santo ay umabot sa 7,500 ang bilang ng mga pasahero sa Araneta Center Bus Terminal.
Ayon kay Araneta Center Bus Terminal manager Ramon Legazpi, inaasahang lolobo ito ngayong araw na huling araw ng trabaho bago ang holidays.
Posibleng pumalo anya sa pito hanggang walong libo ang dadagsa sa terminal.
Samantala, ngayong araw ding inaasahang sisikip ang daloy ng trapiko sa mga expressways kung saan Martes pa lang ng umaga ay bumigat na ang daloy sa mga bahagi ng tollway.
Ipakakalat ang 700 teller at patrol officers sa NLEX at SCTEX para paigtingin ang traffic management at toll fee collection.
Libre rin ang towing services para sa Class 1 vehicles mula alas-6:00 ngayong umaga hanggang alas-6:00 ng Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.