Trust rating ng mga Filipino sa US, very good; neutral naman sa China

By Rhommel Balasbas April 17, 2019 - 03:48 AM

Nanatili sa +60 na nasa kategoryang ‘very good’ ang net trust rating ng mga Filipino sa Estados Unidos sa first quarter ng 2019 ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas Martes ng gabi.

Ang naturang net trust rating ay kapareho ng naitala noong December 2018.

Ayon sa SWS, ang net trust sa US ay positibo simula nang isinagawa ng SWS ang survey noong December 1994.

Ang net trust para sa US ay nasa range na moderate +18 noong May 2005 hanggang excellent na +82 noong December 2013.

Anim na beses ding naitala ang +60 at higit pa na net trust sa US sa pitong survey mula noong June 2017.

Pareho namang nasa kategoryang ‘good’ ang net trust ratings ng mga Filipino sa Japan at Australia na may +34 at +33 sa nagdaang kwarter.

Samantala, neutral -6 ang naitalang net trust para sa China habang tumitindi ang tensyon sa West Philippine Sea.

Tumaas lamang ng isang puntos ang net trust sa China mula sa -7 na naitala noong December 2018.

Ayon sa SWS, 9 na beses lang na naging positibo ang net trust sa China sa 49 surveys na kanilang naisagawa mula August 1994.

Ang range ng trust ratings ng Filipino sa China ay mula sa pinakamataas na moderate +17 noong June 2010 at pinakamababang -46 noong September 2015.

Isinagawa ng SWS ang first quarter survet noong March 28 hanggang 31 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 Filipino adults.

TAGS: China, first quarter 2019, good, Japan, neutral, survey, SWS, Trust Rating, US, very good, China, first quarter 2019, good, Japan, neutral, survey, SWS, Trust Rating, US, very good

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.