Pangulong Duterte: ‘Roxas wasted 44 lives for nothing’
Si dating senador at Interior Secretary Mar Roxas ang dapat sisihin sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa kontrobersyal na Mamasapano encounter noong 2015 ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cagayan, sinabi ng presidente na sinayang ni Roxas ang 44 buhay para lamang sa wala.
Iginiit ng presidente na hangggang sa ngayon ay hindi pa naipaliliwanag ni Roxas at ng dating administrasyon kung bakit ang 44 na miyermbro ng SAF ang ipinadala para sa operasyon.
“He wasted 44 lives for nothing. They could not even explain why it was the police who went there… hanggang ngayon hindi niya sinagot ito,” ayon sa pangulo.
Magugunitang nasawi ang SAF 44 sa pakikipagsagupa sa mga Moro sa Mamasapano, Maguindanao.
Iginiit ng presidente na hindi pamilyar ang SAF 44 sa terrain at walang naipadalang tulong para sa mga ito.
Dismayado rin si Duterte sa naging tanong ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga heneral kung ano ang dapat na ginawa ng mga ito kung sila ang nasa sitwasyon.
“Nag-upo na kami doon, andyan ‘yung mga general, tinanong niya (dating Pangulong Aquino) ‘yung mga general… tapos tinanong niya, ‘Kung ikaw general kung ikaw ang nandoon, anong gawin mo?’ P*****I** tumindig ako sabi ko Mr. President I have a flight, I have to… tumindig ako because it was a very stupid… magtanong ka ng ganun, natapos na ang araw, patay na ang mga sundalo ko… tumindig ako,” ani Duterte.
Si Roxas ang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang maganap ang Mamasapano encounter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.