DFA, maghahain ng legal na aksyon laban sa China sa pagkuha ng mga taklobo
Magsasampa ang Pilipinas ng legal na hakbang sa walang habas na pagkuha ng mga Chinese fisherman ng mga taklobo o giant clams sa Scarborough Shoal.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin matapos makumpirma ang pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Filipino habang patuloy sa pagkuha ng taklobo sa nasabing lugar.
Ayon kay Locsin bukod sa diplomatic note, nakatakda din siyang magsampa ng kasong legal kaugnay ng ginagawa ng China.
Nauna nang sinabi ng kalihim nitong lunes na hindi ito ang tamang panahon para isulong ang usapin sa pinagtatalunang teritoryo.
Reaksyon ito ni Locsin sa pahayag ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na ilaban ng pamahalaang Pilipinas ang naging desisyon ng Arbitral tribunal na nagpapawalang bisa sa pag-angkin ng China sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.