Mga kabataan hinimok ni Senador Angara na kumuha ng agricultural courses
Hinikayat ni reelectionist senator Sonny Angara ang mga nasa sektor ng agrikultura na gumawa ng mga makabagong hakbang at programa para maakit ang kabataan na pasukin ang pagsasaka.
Ayon kay Angara, ito ay para matiyak na magiging sapat ang suplay ng pagkain ng bansa at hindi magugutom ang nasa isandaang milyong populasyon ng Pilipinas.
“Youth engagement in agriculture is vital to ensuring that the Philippines will not have a scarcity of future food producers,” ayon kay Angara.
Sinabi pa ni Angara na dapat na maging creative ang nasa agrikultura para maakit at mahikayat ang mga kabataan na gawing career ang pagsasaka.
“Making agriculture attractive and an easy sell to the youth should be among the top priorities for the government in order to help the country achieve inclusive growth and food security,” ayon pa kay Angara.
Nakadidismaya ayon kay Angara dahil patuloy na bumaba ang mga kabataan na kumukuha ng agriculture courses.
Base sa talaan ng Commission on Higher Education (CHED), bumaba ng 30 percent ang bilang ng mga estudyante na kumuha ng agriculture course mula 2015 hanggang 2018.
Nabatid na noong 2017-2018 school year, nasa 100,000 na mga estudyante lamang ang kumuha ng agriculture courses, mas mababa sa 127,000 na naitala noong 2016-2017 school year.
Base sa January 2019 labor force survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 1.7 million job losses ang naitala kumpara sa 1.3 milyong trabahong nawala sa pinagsamang industry at services sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.