5 arestado sa buy bust operation sa QC

By Rose Cabrales April 16, 2019 - 06:30 AM

Limang katao kabilang ang isang babae ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa sa Barangay Tagumpay, Quezon City, gabi ng Lunes, April 15.

Ayon kay Police Lt. Col. Jeffrey Bilaro ng Quezon City Police District (QCPD) Station 8, gumagamit ng mga menor de edad ang babaeng suspek na source ng droga. Isinasama umano nito ang mga batang anak sa transaksyon para hindi paghinalaan.

Itinanggi naman ng babaeng suspek na hindi siya nagtutulak ng ilegal na droga at sinabing wala umano siyang magpag-iiwanan ng kanyang mga anak kaya kasama niya lagi ang mga ito

Ayon pa sa mga awtoridad may kasabwat ang mga suspek na isang taxi driver na siya umanong naghahatid ng droga sa kanila.

Depensa naman ng taxi driver na hindi umano niya kilala ang mga suspek. Pinara lang umano siya at sumakay ang mga ito.

Aabot sa P50,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na narekober sa mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: aabot sa P50000 ang halaga ng hinihinalang shabu, buy bust, QC, QCPD Station 8, aabot sa P50000 ang halaga ng hinihinalang shabu, buy bust, QC, QCPD Station 8

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.