Duterte, nanguna sa SWS survey

By Jay Dones December 07, 2015 - 03:32 AM

 

Inquirer file photo

Nanguna muli si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS survey.

Pasok si Duterte sa lahat ng socioeconomic class at sa lahat ng geographic areas na pinagkunan ng naturang survey na isinagawa noong nakaraang buwan ng November.

Batay sa naturang survey, nakuha ni Duterte ang 38 porsiyento ng mga boto at na nagresulta sa double-digit na lamang sa kanyang mga katunggali.

21 percent naman ang nakuha nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe.

Samantala, si Mar Roxas naman ay umani lamang ng 15 percent at Sen. Miriam Defensor Santiago 4 percent.

Isinagawa ang survey nitong nakalipas na November 26-28 o halos isanglinggo bago pormal na nagdeklara ng kanyang hangaring tumakbo sa pagka-pangulo si Duterte.

Nagmula ang resulta sa 1,200 respondents.

Ang survey ay kinomisyon ng isang negosyante na nakabase sa Davao.

Matatandaang noong nakaraang SWS survey noong September, pang-apat lamang si Duterte samantalang nanguna naman si Poe.

Bagamat nabigla, todo pasasalamat naman si Duterte sa pangunguna niya sa pinakahuling survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.