2 sundalo patay, 1 sugatan sa enkwentro sa mga rebelde sa Samar

By Len Montaño April 15, 2019 - 11:42 PM

Patay ang 2 sundalo habang sugatan ang 1 pa sa magkahiwalay na pag-atake na pinaniniwalaang kagagawan ng mga rebeldeng komunista sa Samar.

Ayon sa Police Regional Office sa Eastern Visayas (PRO-8) sa Palo, Leyte, nasawi ang 2 sundalo na nakilala lamang na sina Corporal Bueno at Private First Class Labid sa enkwentro sa boundary ng Barangay San Antonio at Barangay Catotogan sa Las Navas, Northern Samar Lunes ng umaga.

Ang naka-sibilyang mga sundalo ay bahagi ng clearing at route security personnel ng 543rd Engineer Combat Battalion.

Iniinspeksyon ng militar ang mga road projects sa mga barangay ng San Antonio, Aguinaldo at Isirdo sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (Pamana) nang tambangan sila ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Nasugatan naman si PFC Renand Antojado sa hiwalay na ambush sa Barangay Literon sa bayan ng Calbiga.

Kasamang nagpapahinga ni Antojado ang ibang sundalo sa Calbiga River nang pagbabarilin sila ng 5 rebelde.

Nasugatan si Antojado sa palitan ng putok at dinala ito sa Calbiga Municipal Health Station.

TAGS: 543rd Engineer Combat Battalion, enkwentro, komunista, Militar, NPA, pag-atake, Payapa at Masaganang Pamayanan, rebelde, road projects, sundalo, tambangan, 543rd Engineer Combat Battalion, enkwentro, komunista, Militar, NPA, pag-atake, Payapa at Masaganang Pamayanan, rebelde, road projects, sundalo, tambangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.