Mga pambato ng Otso Diretso, pormal nang humiling sa PCG na makabiyahe sa Scarborough Shoal

By Erwin Aguilon April 15, 2019 - 08:57 PM

Inquirer file photo

Pormal nang humiling ng permiso ang mga pambato ng Otso Diretso sa Philippine Coast Guard (PCG) para payagan silang bisitahin ang Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Sa isang press conference sa Quezon City ay ipinresenta ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang kopya ng liham na ipinadala nila sa PCG na humihingi ng clearance at para i-monitor nila ang mga aktibidad ng senatorial bets at tulungan sila sakaling magkaroon ng emergency.

Nakasaad din sa formal letter ang pakiusap sa PCG na huwag panagutin ang mga mangingisda na magdadala sa kanila sa Panatag Shoal.

Sinabi ni Alejano na takot ang mga mangingisda sa gobyerno kasabay ng pangambang ma-impound ang mga bangkang ginagamit sa kabuhayan kapag nagdala sila ng media sa Scarborough.

Tiniyak naman nila na hindi sila manggugulo sa lugar dahil gusto lamang umano nilang makita ang sitwasyon doon bilang mga nag-aapply para maging policymakers ng bansa.

Sinabi naman ni Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo na hindi nila pinagbabawalan ang mga taga oposisyon na magtungo sa Scarborough Shoal maliban na lamang kung masama ang panahon.

Kailangan lamang din aniya na mag-file ng departure clearance sa kanila ang boat owners o kapitan ang sasakyan ng mga itong bangka.

TAGS: Otso Diretso, PCG, scarborough shoal, West Philippine Sea, Otso Diretso, PCG, scarborough shoal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.