Suplay ng kuryente, unti-unti nang aayos simula sa Miyerkules Santo – DOE
Inaasahang bubuti na ang sitwasyon ng suplay ng kuryente sa bansa ngayong Semana Santa, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sa isang press briefing, sinabi ni DOE Undersecretary at spokesperson Wimpy Fuentebella na inaasahan na ang restart operations ng mas maraming planta simula sa Miyerkules Santo.
Posible rin aniyang bumaba ang demand ng kuryente sa Huwebes Santo.
Matatandaang ilang sunod na araw itinaas ang red at yellow alert sa Luzon Grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Dahil dito, nakaranas ng power interruption ang ilang parte ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.