Panelo: Pilipinas at China magkaibigan pa rin sa kabila ng mga diplomatic protest

By Chona Yu April 15, 2019 - 04:17 PM

“Friendly at cordial”.

Ganito inilarawan ng Malacañang ang ugnayan ngayon ng China at Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maayos naman ang relasyon ng dalawang bansa sa kanila ng inihaing diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China dahil sa presensya ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Panelo na napapanatili naman ng Pilipinas at China ang pagkakaibigan kahit na iginigiit ng bansa ang karapatan nito sa mga teritoryo sa mga pinag-aagawang isla.

Una rito, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin na naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

Gayunman, wala pang tugon ang China sa reklamo ng Pilipinas.

Noong weekend ay sinabi ng Chinese Foreign Ministry na kaisa sila sa pagpapanatili ng kaayusan sa Spraty’s kasabay ang pahayag na mananatili ang kanilang pag-angkin sa mga isla sa lugar.

TAGS: China, Diplomatic PRotest, panelo, West Philippine Sea, China, Diplomatic PRotest, panelo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.