7 patay 10 sugatan dahil sa pagsabog ng mortar shell sa Afghanistan
Dahil sa pagsabog ng mortar shell, pitong bata ang nasawi at 10 katao naman ang sugatan sa eastern Afghanistan.
Ang Afghanistan ay isang bansa kung saan nagkalat ang mga landmines at mga homemade na bomba.
Ayon kay Laghman governor spokesman Assadullah Dawlatzai, iniimbestigahan pa kung paano nahanap ng mga bata ang mortar at bakit ito sumabog.
Ayon sa pahayag ng Laghman provincial hospital , lahat ng biktima ay pawang mga bata.
Sa ulat ng United Nations Mine Action Service, noong 2017, mahigit 150 katao ang namamatay kada buwan sa Afghanistan dahil sa mga bomba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.