Halaga ng pinsala sa agrikultura, pumalo na sa P5.7B
Pumalo na sa P5.7 bilyon ang halaga ng nasirang produktong pang-agrikultura bunsod ng El Niño phenomenon.
Sa isang news forum, inihayag ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na lumagpas na ang halaga ng pinsala sa naunang inisyal na P1.7 bilyon.
Ipinaliwanag nito na hindi pangunahing solusyon sa nararanasang tagtuyot ang cloudseeding dahil depende pa aniya ito sa dami ng “substantial” clouds na magpapaulan sa ilang lugar.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Cayanan sa publiko na walang kakulangan sa bigas at mais sa bansa.
Nilinaw din nito na kapabayaan ang sanhi ng insidente ng fishkill sa Pangasinan kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.