350 migrants sinira ang Guatemalan border, pinilit makapasok sa Mexico
Isang grupo ng migrants na may 350 katao ang sumira sa gate ng Guatemalan border noong Biyernes, April 12.
Sinira ng grupo ang border upang makapasok sa Southern Mexico kung saan naghihintay ang isa pang grupo ng 2000 kataong migrants na patungong Tapachula.
Hindi naman pinangalanan ng National Immigration Institute ang nanira ng border ngunit sinabi na agresido umano ang mga ito at inakusaan na nang-atake ng isang pulis sa Metapa.
Samantala, marami na rin umanong grupo ng migrants sa southern border ng Chiapas ang nagpahayag ng kanilang pagkalito sa polisiya ng Mexico sa pagpapabagal o pagpapatigil ng proseso ng pagbibigay ng humanitarian at exit visas sa mga borders.
Ang mga grupo ng daang-daan Cuban, African at central American migrants ay naghihintay sa mga immigration offices sa Tapachula para sa mga dokumento na magpapapayag na papasukin sila sa US Border.
Bukod ditto, ang tinatayang 2500 Central American naman at Cuban migrants na nasa Chiapas Town ng Mapastepec ay halos isang linggo ng naroon at naghihintay pa rin ng mga papeles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.