Simula bukas, Linggo ng Palaspas ay nasa full alert status na ang buong pwersa ng pulisya dito sa Metro Manila.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na aabot sa 11,000 mga pulis ang kanilang ikakalat sa mga lugar na maraming tao tulad ng mga simbahan.
Kanselado na rin ang lahat ng mga official leaves at bakasyon ng mga PNP personnel na naka-assign sa Metro Manila.
Magpapatuloy ang full alert status hanggang sa susunod na linggo, April 21 o Linggo ng pagkabuhay.
Inatasan rin ni Eleazar ang lahat ng mga police district directors sa Metro Manila na gumawa ng kanilang plano para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kasama na rin dito ang mabilis na pagresponde ng mga pulis sakaling magkaroon ng emergency.
Katuwang ng PNP sa pagbabantay ng kaayusan ang mga barangay officials.
Samantala, sinabi rin ng pinuno ng NCRPO na wala silang namomonitor na anumang bantam ng kaguluhan sa Metro Manila sa nakalipas na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.