52 barangay officials inireklamo ng DILG dahil sa pagkakasangkot sa partisan politics

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 04:26 PM

Sinampahan ng reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 52 barangay officials dahil sa pagkakasangkot sa partisan politics.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, inihain nila ang reklamo sa Commission on Elections (Comelec).

Ani Densing kabilang sa mga ipinagharap ng reklamo ay mga kapitan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials na aktibong nangangampanya para sa mga kandidato sa midterm elections.

Base aniya ito sa mga reklamong natanggap ng DILG laban sa mga opisyal ng barangay na lantarang ikinakampanya ang mga sinusuportahan nilang kandidato.

Galing aniya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang mga kinasuhang opisyal kabilang ang sa Misamis Oriental, Taguig, Cavite, Bulacan, Quezon City at Caloocan.

Ayon kay Densing, base sa joint memorandum ng Comelec at Civil Service Commission ang Presidente at Vice President at iba pang elected officials maliban sa mga barangay officials ay pwedeng masangkot sa partisan politics.

TAGS: barangay officials, DILG, midterm elections, partisan politics, barangay officials, DILG, midterm elections, partisan politics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.