Kuta ng NPA sa Iloilo, nakubkob ng militar

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 03:38 PM

Nakubkob ng mga militar ang pinaniniwalang kuta ng New People’s Army (NPA) sa Leon, Iloilo, Biyernes, Apr. 12.

Ang kuta ay natunton ng mga otoridad sa bahagi ng Barangay Nalbang.

Ayon sa 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, habang nasa strike operation ang mga sundalo ay nakasagupa nila a ng mahigit 20 miyembro ng Sibat Platoon, Southern Front, Komiteng Rehiyon Panay na pinamumunuan ni Nahum Camariosa alyas “Ka Bebong”.

Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde at iniwanan sa kanilang kuta ang mga gamit.

Nakuha ng mga otoridad ang tatlong backpack, dalawang pampasabog, mga bala at mga baril.

Posible namang may nasugatan sa mga rebelde dahil sa dugong nakita sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro.

TAGS: Iloilo, leon, NPA, Iloilo, leon, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.