Halos 50,000 pasahero naitala ng coast guard na bumiyahe sa mga pantalan

By Dona Dominguez-Cargullo April 12, 2019 - 09:55 AM

Nakapagtala na ng libu-libong mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa bansa ang Philippine Coast Guard (PCG).

Mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, April 12, umabot sa 47,380 ang total outbound passengers na naitala ng coast guard.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa Central Visayas na umabot sa 10,731.

Ang iba pang pantalan na nakapagtala ng maraming bumiyaheng pasahero ay ang mga sumusunod:

Western Visayas – 6,497
Southern Tagalog – 6,113
Bicol – 5,920
Northern Mindanao – 4,472
Southern Visayas – 4,094
Eastern Visayas – 3,805
South Eastern Mindanao – 3,548
National Capital Region – 2,200

Magpapatuloy ang monitoring ng PCG sa mga pantalan sa bansa sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019.

TAGS: Holy Week, philippine coast guard, ports, Radyo Inquirer, travelling passengers, Holy Week, philippine coast guard, ports, Radyo Inquirer, travelling passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.