42 anyos sumuko sa mga otoridad sinabing siya ang totoong pumatay kay Christine Lee Silawan
Sumuko sa mga otoridad sa Cebu ang isang 42 anyos na lalaki at sinabing siya ang totoong pumatay sa dalagita sa Lapu-Lapu City na si Christine Silawan.
Ang suspek ay kinilalang si Renato Bayuban Llenes na iprinisinta kahapon ni PNP Chief Gen. Ospcar Albayalde sa Camp Sergio Osmeña – Police Regional Office Central Visayas (PRO-7) headquarters.
Sa kaniyang pagsuko sinabi ni Llenes na nakunsensya na siya kaya nagpasya siyang lumantad na sa mga otoridad.
Nuon pang April 9 hawak ng gma otoridad si Llenes at sa Bohol ito sumuko.
Magugunitang karumal-dumal ang ginawang pagpatay kay Silawan na nagtamo ng 20 saksak sa katawan, 9 na defense wounds at binalatan pa ang mukha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.