‘Ipagdasal niyo ako,’ – Pope Francis

By Kathleen Betina Aenlle December 05, 2015 - 04:22 AM

pnoy - popeAng tanging mensahe na nais iparating ni Pope Francis sa mga Pilipino sa pamamagitan ni Pangulong Benigno Aquino III, ay ang ipagdasal siya.

Ayon sa pangulo, ang kaniyang pagtungo doon para makausap ang Santo Papa ay mas bilang isang Katoliko, sa halip na bilang pinuno ng bansa.

Aniya, sinumang magkakaroon ng pagkakataong makaharap ang Santo Papa, kadalasang hinihiling ng mga tao sa kaniya na sila ay basbasan at ipagdasal.

Pero, ganoon din ang nais ni Pope mula sa mga Pilipino, aniya ang pinapadala lamang nitong mensahe ay “pray for me”.

Sagot niya kay Pope, sa Pilipinas, Katoliko man o hindi ay ipinagdarasal siya at naniniwala siyang hindi ito magbabago.

Hiling naman ni PNoy sa mga kawani ng media na matulungan siyang iparating sa lahat ng Pilipino ang nasabing mensahe ni Pope.

Samantala, hindi naman nila napag-usapan aniya ang isyung pagmumura ni Mayor Rodrigo Duterte sa kaniya.

Aniya, hindi naman niya personal na narinig ang mismong sinabi ng alkalde at tanging ang mga nasa balita lamang ang pinanggalingan ng kaalaman niya tungkol dito.

Mas makabubuti aniya na hayaan na lamang ito sa ganoong sitwasyon.

Umalis na sa Vatican si Pangulo hatinggabi ng Sabado, at nakatakdang makarating sa Ninoy Aquino International Airport ganap na alas-1:55 rin ng araw na ito.

TAGS: president aquino meets pope in vatican, president aquino meets pope in vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.