Duterte sa human rights groups: “You defend criminals, I kill criminals”

By Angellic Jordan April 11, 2019 - 10:05 PM

Photo grab from PCOO’s Facebook live

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang brutal na anti-criminality campaign sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol ng iba’t ibang human rights group.

Sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bacolod City, sinabi ng pangulo na mayroong kanya-kanyang trabaho ang bawat isa sa mundo.

Kung trabaho aniya ng mga human rights group na depensahan ang mga kriminal, trabaho naman aniya nitong patayin ang mga kriminal.

“Kaya human rights bahala kayo. Kanya-kanya tayong trabaho sa mundo. You defend criminals, I kill criminals,” ani Duterte.

Ayon sa Punong Ehekutibo, wala siyang pakialam kung mamatay ang mga kriminal na parang aso.

“Walang akong ano (pakialam) sa mga kriminal, ‘yong mga mga holdaper, mga ganoon, patayin ka diyan parang aso,” pahayag pa ng pangulo.

Maliban sa mga human rights group sa bansa, umami ng kritisismo sa ibang bansa ang kampanya ni Duterte partikular sa war on drugs nito.

TAGS: human rights group, kriminal, Pangulong Duterte, War on drugs, human rights group, kriminal, Pangulong Duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.