1 ASG member patay, 2 sundalo sugatan sa engkwentro sa Sulu
Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group habang sugatan naman ang dalawang sundalo sa sumiklab na bakbakan sa Patikul, Sulu Huwebes ng umaga.
Ayon kay Col. Gerry Besana, public affairs officer ng Western Mindanao Command (Westmincom), nakasagupan ng 32rd Infantry Battalion ang mahigit 100 rebelde sa Sitio Bud Taming, Barangay Panglahayan.
Pinangunahan ang mga rebelde ni Abu Sayyaf chief Radulan Sahiron.
Tumagal ng 40 minuto ang palitan ng putok ng baril ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo.
Nakatakas naman ang ASG sa direksyong pa-Timog Kanluran ng Patikul.
Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operation ng militar para mahuli ang mga nakatakas na rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.