Atty. Macalintal, nanindigang puwedeng i-disqualify ng COMELEC si Poe

By Kathleen Betina Aenlle December 05, 2015 - 04:19 AM

macalintalIginiit ng beterano at ekspertong abogadong si Romulo Macalintal na may pangil ang Commission on Elections (COMELEC) na idiskwalipika si Sen. Grace Poe sa pagtakbo nito bilang susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay Macalintal, papasok lamang ang hurisdiksyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa isang kaso kung ito ay inihain laban sa nakaupo nang Presidente o Bise Presidente.

Ito ay taliwas sa unang sinabi ni dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes na walang hurisdiksyon ang COMELEC na i-diskwalipika ang kandidatura ni Poe at tanging PET lamang ang maaaring magdesisyon dito oras na mahalal na ang senadora.

Ani Macalintal, magkaiba ang mga kasong hinahawakan ng COMELEC at ng PET, at masyado pa rin aniyang maaga para sabihin na ang PET lamang ang maaaring magbitiw ng desisyon tungkol sa mga kaso laban kay Poe.

Kung ganoon aniya ang sistemang pinaniniwalaan ni Brillantes, disin sana’y ibinasura na rin lamang niya ang mga disqualification cases laban sa mga mambabatas noong kaniyang termino bilang COMELEC chair at ipinaubaya na lamang ang mga ito sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET), Senate Electoral Tribunal (SET) o Regional Trial Courts.

Matatandaang na-disqualify si Poe sa Second Division ng COMELEC na pumabor sa naghain ng kaso na si Atty. Estrella Elamparo.

TAGS: atty romulo macalintal, comelec has authority to disqualify poe, sen grace poe, atty romulo macalintal, comelec has authority to disqualify poe, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.