8 sa 18 BI personnel na nasangkot sa extortion sinibak na
Iniutos ng Department of Justice (DOJ) ang contract termination ng 8 sa 18 trauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa tangkang pangingikil.
Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevearra, ang BI na iterminate na ang kontrata ng mga sangkot na tauhan na napag-alamang pawang ‘job order contractors’.
Ang 10 iba pa ay mananatiling nasa ilalim ng 90-day preventive suspension.
Patuloy ang imbestigasyon sa kanila hinggil sa kasong administratibo matapos ireklamo ng 15 Korean nationals.
Ayon sa reklamo, ang mga nasabing tauhan ng BI ay inaresto sila sa Korean Town sa Angeles City Pampanga noong March 6 at pinuwersa silang maglabas ng malaking halaga ng pera para hindi mabilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.