LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, Apr. 11

By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2019 - 10:03 AM

Bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, April 11 nasa 188.16 meters na lang ang water level sa dam.

Nabawasan ito ng 0.55 meters kumpara sa 188.71 meters na water level nito kahapon.

Ang La Mesa dam naman ay bahagyang nadagdagan. Nasa 68.49 meters ang water level nito ngayong araw tumaas ng kaunti kumpara sa 68.48 meters kahapon.

Ang Ipo dam ay nadagdagan din ng .01 meter ang water level, habang .21 meter ang nadagdag sa water level ng Magat dam.

Ang iba pang dam gaya ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya ay nabawasan ang water level.

 

TAGS: Angat Dam, dam status, la mesa dam, Radyo Inquirer, Angat Dam, dam status, la mesa dam, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.