SC, posibleng magkaroon ng special session para sa DQ case laban kay Poe
Kakayanin naman ng Supreme Court sakaling mangailangan na magsagawa sila ng special session sa gitna ng holiday break.
Ayon sa tagapagsalita ng Supreme Court na si Atty. Theodore Te, posible namang ikunsidera na magkaroon ng special session ang en banc kung may iaakyat na kaso sa kanila dahil nagawa naman na nila ito dati.
Kasunod ito ng pagmungkahi ni Senate President Franklin Drilon sa Supreme Court na kanselahin na muna ang kanilang Christmas break para pagdesisyunan ang disqualification case laban kay Sen. Grace Poe.
Matatandaang ibinasura na ng Senate Electoral Tribunal ang kasong inihain sa kanila para i-diskwalipika si Poe, pero na-diskwalipika naman siya sa Commission on Election 2nd Division.
Nakatakda nang magbakasyon ang 15 justices ng Supreme Court pagkatapos ng kanilang en banc session sa December 8, pero giit ni Te, maari pa nila itong mapagusapan sakaling hilingin ito ng isa sa kanila o ng Chief Justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.