Red alert at yellow alert iiral Luzon grid ngayong maghapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente
Muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert at yellow alert ang buong Luzon grid ngayong maghapon ng Huwebes, Apr. 11.
Ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente dahil sa mga hindi inaasahang pag-shutdown ng mga planta.
Narito ang mga oras ng pag-iral ng yellow at red alert:
8:00AM to 10:00AM – YELLOW ALERT
10:00AM to 4:00PM – RED ALERT
4:00PM to 9:00PM – YELLOW ALERT
Dahil dito, pinayuhan ng Meralco ang mga kabahagi ng kanilang Interruptible Load Program (ILP) na maging handa sa paggamit ng kanilang generator sets.
Una na rin sinabi ng Meralco na magpapatuloy ang rotational brownout na kanilang ipinatupad mula kahapon dahil sa red alert.
Para sa mga nasa bahay naman, maaring makatulong sa pamaliit na paraan upang makatipid sa enerhiya.
Ilan sa mga pwedeng gawin ay ang mga sumusunod:
1. Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kinakailangan.
2. Palaging linisin ang mga electric fan blades at aircon vents.
3. I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.