Robredo nagpaala kay Duterte na maging maingat sa pananalita

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 02:24 AM

Pinaalalahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa kanyang pananalita dahil bawat sabihin nito ay maaaring maging iba ang kahulugan para sa iilan.

Ang paalala ng bise presidente ay matapos ang pahayag ng pangulo na dapat matutunan ng kanyang militar at pulisya ang ‘art of assasination’.

Sa panayam ng media kay Robredo sa Iloilo City, sinabi nito na hindi niya alam ang tunay na nais ipakahulugan ni Duterte sa kanyang naging pahayag.

Gayunman anya ay dapat maging maingat ang presidente sa kanyang mga salita dahil anuman ang kanyang sabihin ay nagiging polisiya ng gobyerno.

“Sa akin lang, yung paalala sa aming mga lingkod-bayan na maging maingat sa mga pananalita lalo na ng Pangulo. Kasi sinasabi parati na kung ano ang sabihin niya, nagiging polisiya. So mahirap na misinterpret ito o seryosohin na iba naman ang gusto niyang sabihin,” ani Robredo.

Iginiit ni Robredo na dapat pag-isipan munang maigi ng presidente ang kanyang mga sasabihin para hindi ito magresulta sa mga implikasyon o problema.

Hindi dapat anya nagpapadala ang presidente sa bugso ng damdamanin.

“Hindi dapat siya dala ng bugso ng damdamin dahil marami ang implikasyon ng lahat ng sasabihin,” giit ni Robredo.

TAGS: art of assasination, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, art of assasination, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.