Bahagi ng lumang residential building sa Binondo, Maynila gumuho

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 01:53 AM

Gumuho ang bahagi ng isang lumang residential building sa Veronica Street. Brgy. 288 sa Binondo, Maynila gabi ng Miyerkules.

Narinig na lamang ng mga residente ang isang malakas na ugong at ilang sandali lang ay tumambad na ang gumuhong gusali na pawang gawa sa kahoy.

Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa mga miyembro ng 2 pamilya na naninirahan sa building.

Isang William Cheng ang may-ari ng building kung saan kanyang mga empleyado rin ang naninirahan dito.

Ayon kay Brgy. 288 Chairman Bernard Go, nasa 50 taon nang nakatayo ang gusali sa lugar na dati umanong Binondo Maternity Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagguho ng building ngunit ikinukonsidera na rin ang katandaan nito.

Pansamantalang naglalagi sa multi-purpose gym ng baranggay ang mga apektadong residente.

TAGS: Binondo, Binondo residential building collapses, manila, Radyo Inquirer, Binondo, Binondo residential building collapses, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.