Meralco: Rotating brownouts tuloy sa mga susunod na araw

By Rhommel Balasbas April 11, 2019 - 03:24 AM

Nag-abiso ang Manila Electric Company (Meralco) na tuloy-tuloy pa rin ang mararanasang rotating brownouts sa mga susunod na araw sa Luzon dahil sa pagkumpuni ng mga planta ng kuryente.

Araw ng Miyerkules ay isinailalim sa red alert status ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente bunsod ng mga plantang bumigay at bumaba ang kapasidad.

Nagkaroon ng rotating brownout na tumagal ng isang oras kahapon sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Bulacan, Cavite, Batangas at Laguna.

Ayon kay Energy Usec. Wimpy Fuentebella, umabot sa 1,352 megawatts ang nawalang kuryente sa Luzon bunsod ng pagpalya ng Sual Unit 1, SLPGC Unit 2, Pagbilao Unit 3, SLTEC Unit 1, Malaya Unit 1 at Calaca Unit 1.

Sinabi naman ng Meralco na dahil sa kukumpunihin pa mula April 13 hanggang April 21 ang mga planta ay magpapatuloy ang rotational brownouts.

TAGS: energy reserve, luzon grid, Meralco, power shortage, Red Alert Status, rotational brownout, energy reserve, luzon grid, Meralco, power shortage, Red Alert Status, rotational brownout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.