Dalai Lama naospital sa India dahil sa chest infection
By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2019 - 08:36 AM
Isinugod sa ospital ang 83 anyos na Tibetan spiritual leader na si Dalai Lama.
Nasa New Delhi Hospital ngayon si Dalai Lama dahil sa chest infection.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng mga malapit kay Dalai Lama na stable ang kondisyon ng Buddhist Monk.
Ayon sa kaniyang personal secretary na si Tenzin Taklha, nakaranas ng pananakit sa dibdib si Dalai Lama kaya dinala ito agad sa ospital.
Mananatili ito sa pagamutan ng tatlong araw para magpagaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.