Fighter jet ng Japan nawala habang nasa training mission

By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2019 - 08:13 AM

AFP Photo
Isang Japanese F-35A stealth fighter jet ang nawala habang nasa training mission.

Ayon sa defense military ng Japan, nawala ang fighter jet na may lulang isang piloto sa bahagi ng Miasawa, northeastern Japan.

30-minuto matapos magtake-off sa Miasawa Air Base ay nawalan umano ng contact sa naturang eroplano.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung ano ang nangyari sa fighter jet.

Nagsasagawa na rin ng search and rescue operations upang mahanap ito.

Habang hindi malinaw kung ano ang nagyari sa fighter jet, sinabi ng Japanese defense ministry office na sususpindihin muna nila ang operasyon ng 12 pang F-35A fighters nila.

TAGS: F-35A stealth fighter jet, japanese fighter jet, F-35A stealth fighter jet, japanese fighter jet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.